Sino kami?
Kami ay isang non-profit o hindi kumikitang organisasyon na tinatawag na La Strada Czech Republic, o.p.s. (serbisyong pampublikong organisasyon) (para sa mas madaling komunikasyon ay pinaikling La Strada), at kami ay isang dalubhasang samahan na nakatuon sa pagsuporta at pagtulong sa mga taong pinagsamantalahan at inabuso.
Ang serbisyo na aming inaalok
Kahit sino ay maaaring makaranas ng ganitong sitwasyon na hindi kayang lutasin o mapamahalaang mag-isa. Sa sandaling maramdaman mong may nangyari sa iyo na ganito, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Sama-sama kaming maghahanap ng solusyon sa iyong sitwasyon.
Paano mo malalaman na may mali sa iyong trabaho at / o employer?
|
|
Kung sumagot ka ng oo sa mga katanungang ito ng higit sa isa, maaaring ikaw ay biktima ng pagsasamantala, o nasa peligro ka sa pang aabuso at pagsasamantala. Kung ikaw ay biktima ng pagsasamantala at / o pang aabuso, maaari ka naming bigyan ng tulong sa krisis na ito, tirahan sa aming mga kanlungan, at propesyonal na tulong panlipunan at ligal. Tumawag lamang sa aming linya ng La Strada SOS.
Tumawag sa amin kahit na hindi ka sigurado kung talagang may kinalaman ito sa iyo.
Nag-aalok at nagbibigay kami ng mga sumusunod na serbisyo sa mga taong inabuso at pinagsamantalahan:
- Papayuhan ka namin kung anong mga hakbang ang dapat mong gawin.
- Bibigyan ka namin ng pinansiyal at materyal na tulong.
- Bibigyan ka namin ng tirahan.
- Tutulungan ka namin na makauwi ng ligtas sa iyong sariling bansa.
- Hindi namin sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo at sa iyong kaso nang walang pahintulot mula sa iyo.
Ang social worker ay maglalaan ng isang plano sa iyo, kung saan isinasaad namin kung ano ang gusto mo, kung paano at kung gaano mo ito kaagad makakamit. Halimbawa: kailangan mo ng tirahan; isang bagong trabaho; pera upang magsimula upang magbayad para sa pagkain at iba pang mga personal na pangangailangan; payo kung paano mabawi o makuha ang suweldo na hindi binayaran ng dating employer at iba pa. Malalaman mo kung paano ka namin matutulungan sa mga naturang bagay, at kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat gawin.
Linya ng SOS
(+420) 222 71 71 71, 800 077 777 (libre/ walang bayad)
Lunes | 10.00–16.00 | (Czech, English, Russian at Romanian) |
Martes | 10.00–16.00 | (Czech, English, Russian at Romanian) |
Miyerkules | 10.00–16.00 | (Czech, English at Russian), 12.00 – 16.00 (Tagalog) |
Huwebes | 10.00–16.00 | (Czech, English at Russian) |
Biyernes | 10.00–14.00 | (Czech, English at Russian) |
e-mail: pomoc@strada.cz
facebook: https://www.facebook.com/lastradacr/
Kung kayo ay tatawag ng lampas na sa oras sa linya ng La Strada SOS, mayroong “answering machine” o makinang taga sagot na kung saan ay maaaring mag iwan ng mensahe at babalikan namin kayo.
FAQ
Ang ilang mga sitwasyon, ang kanilang mga posibleng solusyon, at mga madalas na katanungan
Madalas mo kaming tanungin tungkol sa mga aktibidad ng aming organisasyon o tungkol sa isyu ng pagsasamantala at pang aabuso. Ang mga katanungang ito ay madalas na nauulit – kung kaya naghanda kami ng mga sagot sa mga katanungan na maaaring ikaw ay maging interesado. Gayunpaman, tandaan na ang mga detalye ng iyong sitwasyon ay dapat na laging isaalang-alang. Kung mayroon kang mga karagdagang katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.
Nagtrabaho ako sa isang kliyente sa Czech Republic at hindi ako nabayaran ng tatlong buwan. Maaari mo ba akong tulungan na maibalik ang halagang hindi nabayaran
Ang isang paraan upang maibalik ang halagang hindi nabayaran ay ang pagpunta sa korte, ito ay maaaring napakahaba at mahirap na proseso. Ang isa pang paraan ay ang makipag-ugnayan sa iyong employer o tagapamagitan na may kahilingan para sa usapang pagbabayad ng pagkakautang. Mahalagang malaman na ang mga pagpipiliang ito ay laging magagamit kahit na hindi ka pa pumirma ng kontrata sa trabaho. Isulat ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong trabaho, at makakatulong kami sa iyo na maghanda ng ilang mga dokumento para sa pagkuha ng hindi nabayaran na sahod.
Tapos na ang aking probasyon, at tinanggal ako sa trabaho ng aking amo dahil sa pagkakasakit. May karapatan ba siyang gawin ito?
Ang pagtatrabaho ay maaaring tapusin ng naaayon sa tiyak na tinutukoy na kundisyon. Sa pangkalahatan, hindi ka maaaring tanggalin ng iyong employer/amo sa panahon ng iyong pagkakasakit, at karapat-dapat kang bayaran ng sahod at sa mga araw ng pagliban sa trabaho dahil sa sakit. Kung tinanggal ka ng iyong employer ng wala sa katuwiran sa loob ng dalawang buwan, maaari kang magsampa ng demanda laban sa kanya para sa hindi wastong pagtanggal sa trabaho.
Sinabi sa akin ng employer na kailangan ko ng karagdagang bayad para sa Health and Social Insurance mula sa aking buwanang suweldo upang maging karapat-dapat sa pangangalagang medikal. Totoo ba ito?
Ang mga bayarin na ito ay binabayaran ng parehong empleyado at employer. Sa kabuuan, 34% ng kabuuang sahod ang naaayon para sa mga kontribusyon, ngunit 4.5% lamang ng kabuuang sahod ang ibinabawas para sa health insurance at 6.5% para sa social insurance. Maaari mong malaman ang tamang halaga ng iyong mga kontribusyon sa suweldo sa isa sa mga on-line na calculator ng payroll (https://portal.pohoda.cz/).
Ang isang employer ay walang karapatang mag-bawas mula sa suweldo ng isang empleyado na higit sa limitasyo na itinakda ng estado.
Sinabihan ako ng aking amo na maglaan ng pahinga/ day off. May karapatan ba akong mabayaran ang suweldo?
Ito ay depende sa kung ito ay bayad o hindi bayad na bakasyon. Karapat-dapat ka sa isang suweldo sa panahon ng bayad na bakasyon. Sa panahon ng hindi bayad na bakasyon, ang suweldo ay hindi binabayaran, at dapat gampanan ng empleyado ang kanyang mga bayarin sa health insurance (maliban kung may napagkasunduan sa pagitan ng employer).
Ang hindi bayad na bakasyon ay hindi maaaring ipag-utos, maaari lamang itong mangyari sa kahilingan ng empleyado.
Nais ng aking employer na kumuha ako ng ibang trabaho / lugar ng trabaho kaysa sa orihinal na napagkasunduan. May karapatan ba siyang gawin ito?
Ang employer ay dapat na una na sumang-ayon sa empleyado sa gagampanan na anumang trabaho na nasa labas ng napagkasunduang klase ng trabaho. Kung ikaw ay pinagkalooban ng pahintulot sa trabaho (work permit) para sa isang posisyon at sa tinukoy na lugar ng trabaho, obligado kang gampanan lamang ang gawaing tinukoy sa pahintulot sa trabaho na ito.
Sinabihan ako ng aking employer na mag trabaho ng lampas sa oras (overtime), maaari ba akong tumanggi?
Maaari lamang magpa trabaho ng overtime sa mga pambihirang sitwasyon. Ang pagtatrabaho ng overtime ay hindi dapat lumagpas sa 8 oras bawat linggo at 150 na oras sa kabuuan sa isang taon ng kalendaryo. Sa limitasyong ito, ang overtime ay magagawa lamang batay sa isang kasunduan sa empleyado.
Ako ay isang mamamayan ng Ukraine (o ibang bansa sa labas ng EU), at naghahanap ako ng trabaho. Maaari mo ba akong tulungan na makahanap?
Maaari ka naming payuhan sa kung paano magpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Bibigyan ka namin ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga kundisyon kung saan maaaring magtrabaho ang isang dayuhan sa Czech Republic. Sasabihin namin sa iyo kung anong mga dokumento ang iyong kailangan. Sasabihin din namin sa iyo kung ano ang dapat abangan kapag naghahanap ng isang trabaho. Gayunpaman, hindi kami maaaring magbigay sa iyo ng tukoy na trabaho.
Nagtatrabaho ako sa pamamagitan ng isang kliyente na nagbabanta na kakanselahin ang aking visa. Sinabi din niya na hindi ako maaaring magtrabaho kahit saan gamit ang visa na mayroon ako. Totoo ba ito?
Kung nagtatrabaho ka sa pamamagitan ng isang "kliyente", maaari niyang, sa ilang mga kundisyon, bawiin ang iyong pahintulot sa trabaho o bawiin ang rehistro ng iyong pansamantalang paninirahan sa Czech Republic, ngunit hindi niya maaaring bawiin ang iyong visa. Kung mayroon kang visa sa trabaho (visa 61), mayroon ka ring karapatang magtrabaho sa Czech Republic nang walang tagapamagitan ("client"). Gayunpaman, kung binigyan mo siya ng kapangyarihan ng abugado (Power of Attorney) na kumilos sa iyong ngalan sa mga awtoridad, dapat mong ipagbigay-alam sa mga awtoridad na ito sa pamamagitan ng pagsulat na kinakansela mo ang kapangyarihang ito ng abugado.
Mayroon akong kliyente / ahensya / tagapamagitan na tumutulong sa akin sa proseso ng pagkuha ng isang permit sa trabaho sa Czech Republic. Binayaran ko siya ng malaking halaga sa aking bansang pinagmulan bago ako umalis, ngunit pagkarating ko sa Czech Republic, gusto niya ng mas malaking pera, na wala ako. May karapatan ba silang gawin ito?
Inirerekumenda namin na huwag kang umasa sa mga tagapamagitan at ahensya ng pagtatrabaho (employment agency) at direktang magtungo sa employer upang maiwasan mo ang malalaki at hindi makatarungang bayarin (para sa paglalakbay (travel), pagpapagitna sa kontrata (contract mediation), pahintulot sa trabaho (work permit), at iba pa. Magbabayad ka ng mga naaangkop na bayarin nang direkta sa mga awtoridad (halimbawa, ang bayad na pang-administratibo na binayaran sa DAMP MOI CR para sa pagsusumite ng isang aplikasyon upang makakuha / magpahaba (extend) ng visa. Sa batas ng Czech, hindi maaaring singilin ang isang empleyado ng bayad sa paglalagay o pagbibigay sa iyo ng trabaho (job placement fee).
Gayunpaman, nakasalalay din ito sa kung anong mga pangako ang iyong pinirmahan. Mas mahusay na kumonsulta sa isang abugado tungkol sa iyong sitwasyon - huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming linya ng SOS upang makakuha ng payo.
Dumating ako gamit ang isang panandaliang visa sa trabaho (short-term visa), na matatapos sa lalong madaling panahon. Sinabi ng employer na siya ang mag-aasikaso ng aking mga dokumento at maaari akong magpatuloy sa pagtatrabaho. Dapat ba akong magtiwala sa kanya?
Ang isang panandaliang pahintulot sa trabaho (short-term permit) ay hindi maaaring mapalawak at ipagkakaloob lamang ito para sa isang tukoy na employer. Samakatuwid, ang isang dayuhan na may ganitong uri ng visa ay hindi maaaring lumipat ng employer. Alamin kung paano nais asikasuhin ng employer ang iyong mga dokumento at kumunsulta sa mga dalubhasa sa iyong sitwasyon (halimbawa, isa sa mga hindi kumikitang organisasyon (non-profit organization) na nagtatrabaho para sa mga dayuhan upang maiwasan ang mga posibleng problema.
Nagtatrabaho ako sa Czech Republic gamit ang kard ng empleyado (employee card), at nais kong lumipat ng employer. Posible ba ito?
Oo, ito ay maaari. Ngunit, kung ito ang iyong unang "employee card", maaari ka lamang lumipat 6 na buwan pagkatapos madesisyunan na magkabisa na mabigyan ng employee card (gayunpaman, may mga limitasyon, tulad ng pagtatapos o pagte-terminate ng trabaho para sa mga kadahilanang pangkalusugan, mga kadahilanang pang-organisasyon ng employer, hindi pagbabayad ng sahod at iba pa). Palaging kinakailangan na wakasan o tapusin ang trabaho sa pamamagitan ng pagsulat. Kung mayroon kang kard na naibigay ng isa sa mga programa ng gobyerno (halimbawa: Ang Programa para sa Mga Kwalipikadong empleyado), ang mga kundisyon upang magpalit ng employer ay iba.
Upang matiyak na ang pagpapalit ng iyong employer ay walang problema, kumonsulta sa isang abugado tungkol sa iyong sitwasyon, o isa sa mga hindi kumikitang samahan o non-profit organization na nagtatrabaho para sa mga dayuhan, o tawagan ang aming linya ng SOS.
Mayroon akong tirahan sa Czech Republic at kontrata sa pagtatrabaho (employment contract) sa loob ng dalawang taon. Binantaan ako ng employer na kung ako ay aalis, babayaran ko sa kanya ang mga gastos sa pag-poproseso, visa, pamasahe sa pag byahe, at iba pa. May karapatan ba siya na gawin ito?
May karapatan kang tapusin ang iyong trabaho ayon sa Czech Labor Code, at walang sinuman ang makakapilit sa iyo upang manatili sa iyong employer. Tungkol sa pagbabayad ng mga gastos sa employer, nakasalalay ito sa kung ano ang inyong usapan na iyong pinirmahan. Mas mabuti na kumonsulta ka sa isang abugado sa iyong sitwasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming linya ng SOS upang makakuha ng payo.
Dumating ako sa Czech Republic sa pamamagitan ng Programa para sa Mga Kwalipikadong empleyado (Ukraine / Philippines / Serbia, at iba pa). Maaari ba akong lumipat ng employer?
Kung ikaw ay nakarating sa pamamagitan ng katulad ng programa ng gobyerno, malamang na magkakaroon ng mga espesyal na kundisyon para sa pagpapalit/ pagpapahaba (extending) at karagdagang pagproseso ng iyong permit sa paninirahan (residence permit). Kung gayon, mas mahusay na makipag-ugnayan sa isa sa mga hindi kumikitang organisasyong (Non-profit organization) na nagtatrabaho para sa mga dayuhan, o tawagan ang aming linya ng SOS para sa makakuha payo.
Nananatili ako sa Czech Republic ng walang visa (visa-free travel) (Ukraine / Georgia / Moldova…), at ako ay nakahanap ng trabaho dito. Sinabi ng employer na maaari akong magsimulang magtrabaho para sa kanya, at kailangan ko magbayad sa kanya upang makuha ako ng visa sa pagtatrabaho (working visa). Dapat ba akong magtiwala sa kanya?
Hindi ka pinapayagang magtrabaho habang walang visa ng pananatili - kailangan mo ng pahintulot sa pagtatrabaho (work permit) at ang naaangkop na uri ng permiso sa paninirahan (residence permit). Ang isang aplikasyon para sa naturang permiso ay dapat gawin sa embahada sa iyong bansang pinagmulan. Hindi posible na mag-apply para sa naturang permiso sa Czech Republic kung wala kang pangmatagalang permiso sa paninirahan (long-term residence permit) sa Czech Republic.
Sampung pangunahing prinsipyo para sa ligtas na pagtatrabaho sa ibang bansa
Alamin ang eksaktong impormasyon ng lokasyon sa iyong tirahan at ang eksaktong trabahong gagampanan sa lugar.
Mag-iwan sa bahay ng kopya ng iyong kontrata sa trabaho at ang address o mga detalye ng lokasyon ng iyong tirahan sa ibang bansa.
Mag-iwan sa bahay ng kopya ng iyong pasaporte at kasalukuyang larawan.
Magkaroon ng regular na kontak sa isang pinagkakatiwalaang tao sa bahay at panatilihin ito.
Palaging dalhin ang iyong pasaporte saan man pumunta sa ibang bansa. Huwag itong ibigay sa mga hindi kilalang tao.
Kung ikaw ay mamamayan ng EU, ang isang ID card ay may bisa din sa mga bansa sa EU - dalhin ito kasama ng iyong pasaporte.
Kung maaari, ang iyong suweldo ay idedeposito o ipapasok sa iyong account, hindi ibibigay ng "cash".
Huwag tumanggap ng anumang mga regalo o mga pautang mula sa amo (employer).
Subaybayan ang mga pagbabago sa pag-uugali ng amo (employer) - halimbawa, biglaang pagbabago sa petsa ng pag-alis, pagpapaliban ng mga aktibidad nang walang katiyakan, pamimilit na tanggapin ang karagdagang mga pagbabago, at iba pa.
Dalhin ang detalye ng iyong embahada (contact details), mga numero ng telepono na pang-emergency para sa ibang bansa, at mga detalye para sa mga suporta ng mga NGO.
Kontak
La Strada Česká republika, o.p.s.
P. O. Box 305
111 21 Praha 1
Česká republika
IČ: 25656317
Facebook: https://www.facebook.com/lastradacr/
Tel.: +420 222 721 810
E-mail: lastrada@strada.cz
Pangunahing mga kontak, sino ang nararapat na tawagan sa ganitong uri ng krisis
- Pulisya ng Czech Republic – 158 (www)
- Mga serbisyong medikal na pang-emergency – 155 (www)
- Listahan ng mga embahada at konsulada sa Czech Republic (www)
- Direktoryo ng Embahada (www)
- Ministeryong Panloob ng Czech Republic – impormasyon para sa mga dayuhan (www)
Mga mungkahi, komento, reklamo
Ang iyong mga mungkahi, komento o reklamo ay mahalaga para sa amin.
Ang mga tagubilin kung paano mag-sumite ng isang reklamo ay matatagpuan dito:
Maaari mo itong iparating:
a) nang personal sa “social worker” na humahawak sa iyong kaso (o sa ibang tao na ang dahilan ay hindi ka nasiyahan sa kanyang trabaho). Obligadong itala ng social worker ang iyong reklamo sa talaan at subukang lutasin ito; Ang mga social service workers ay obligadong ipagbigay-alam sa isang pangunahing social worker. Kung ang sitwasyon ay hindi napabuti, ipagbigay-alam sa Pinuno ng Social Services sa pamamagitan ng pagsulat o sa isang pagpupulong. Iimbestigahan ng Pinuno ng Social Services ang iyong reklamo sa loob ng 5 araw (para sa serbisyo sa tulong sa krisis) o sa loob ng 15 araw (para sa serbisyo ng tirahan). Aabisuhan ka nang berbal (sa sulat din kung iyong nais) tungkol sa resulta ng pagsisiyasat. Ang isang kumpidensyal na tala ng reklamo ay itatago sa iyong talaan. Kung hindi ka pa nasiyahan, mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat sa Direktor ng La Strada, na mag-iimbestiga sa iyong reklamo sa loob ng 15 araw. Aabisuhan ka sa pagsulat ng kinalabasan ng pag-iimbestiga ng reklamo.
b) sa mga lihim na itinalagang post-box, na matatagpuan sa mga kanlungan na may mga serbisyong pang gabi at sa mga nasasakupan ng La Strada Counseling Center, o sa pamamagitan ng pagpapadala sa P. O. Box address. Ang mga sulat na laman ng post-box ay inuubos ng isang beses sa isang buwan ng Pinuno ng Kanlungan, na nakikipag-usap sa mga reklamo. Ang mga abiso sa mga resulta ng mga reklamo ay ipapaskil sa “board” ng Counseling Center.
c) sa pamamagitan ng isang tao na iyong pinili na kumikilos bilang iyong kinatawan.
Maaari mong gamitin ang mga serbisyo ng isang interpreter o tagasalin mula sa aming samahan upang maghain ng isang reklamo. Maaari kang sumulat ng reklamo sa wikang iyong ginagamit upang makipag-ugnayan sa iyong social worker. Kung hindi ka nasiyahan sa inirekumendang serbisyo, mangyaring ipagbigay-alam sa iyong social worker.
Kung mayroon kang anumang mga rekomendasyon kung paano namin mapapabuti ang aming mga serbisyo, maaari ka ring magsumite ng isang panukala. Maaari mo itong maipaabot sa iyong social